PNP Internal Affairs Service pinaalalahanan ang mga kapulisan na huwag makisawsaw sa pulitika ngayong BSKE

CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP- IAS) ang mga kapulisan na huwag makisawsaw o makisali sa pulitika ngayong nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay PLTCOL Gaudencio Diaz Jr, Provincial Superintendent ng PNP IAS sa Camarines Norte sinabi nitong bawal naman talaga na mag- engage ang PNP sa anumang aktibidad na may kinalaman sa pulitika.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Dapat din umanong may permit mula sa Commission on Elections ang sinumang personnel na naka- assign bilang security sa isang tao o kandidadto.

Sa ilalim ng umiiral na batas at PNP Ethical Doctrine, ang mga kapulisan, bilang mga kawani ng pamahalaan at pangunahing tagapagpaganap ng batas, ay inaasahang magbibigay nang pantay-pantay na paglilingkod sa mga mamamayan.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Samantala, mahigit isang libong pulis naman ang idedeploy ng Camarines Norte Police Provincial Office ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ayon kay CNPPO Provincial Director PCol Joselito Villarosa sa 1, 155 na PNP personnel mahigit 700 ang mula sa CNPPO at mahigit 60 naman mula sa Maritime, Criminal Investigation and Detection Group, Highway Patrol Group at mahigit 300augmentations mula sa Philippine Army at Philippine Coast Guard.