CAMARINES NORTE – Pinaalalahanan muli ng Commission on Elections ang mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na mag-ingat sa paggastos ngayong panahon ng kampanya.
Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Francis Nieves hanggang P5 lang kada registered voter sa barangay ang pwedeng gastusin ng mga kandidato kaya dapat umanong pag ingatan na hindi lumagpas dito.
Kahit daw kasi hindi ideklara ng kandidato sa kaniyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ay pwede itong masilip nang sinuman o maski ng Comelec kung masyadong excessive ang kampanya.
Aniya ang mga facilities na ginamit sa pangangampanya tulad ng sasakyan kahit idinonate o ipinahiram ay mayroon pa rin itong kaukulang halaga na dapat ideklara sa SOCE.
Hindi naman covered ng limitasyon sa airtime ang e- rally platform sa internet na may naka- aanounce na ito ay para sa pangangampanya.
