Sisiyasatin ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng tatlong menor de edad sa hinihinalang shootout kasama ang mga pulis sa Sultan Kudarat.
Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. na ang “motu propio” investigation ay isasagawa ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP.
Matatandaan na sa ulat ng Police Regional Office 12, ang tatlong suspek ay sakay ng motorsiklo at hindi pinansin ang police checkpoint sa Barangay Didtaras, Lambayong.
Dahil dito, sinundan ng Lambayong Police ang mga suspek na nag-crash at ‘di umano ay nagpaputok sa mga awtoridad, na nag-udyok na gumanti na rin ng putok ang mga pulis.
Sa ngayon, inaalam ng PNP ang tunay na pagkakakilanlan ng mga suspek, matapos sabihin ng mga ito na hindi sila mga ‘ordinaryong’ kabataan.
