Mayroong sobrang international reserved gross ang bansa sa panukalang Maharlika Investment Fund ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang kasalukuyang GIR ng bansa ay sapat na para sa 7.5 months imports.
Sa pinakabagong data mula sa BSP , nagpapakita na ang GIR na sukatan ng kakayahan ng bansa na bayaran ang import payments ant service foreign debt ay umabot sa $94.074 billion pesos noong katapusan ng Oktubre.
Mas mataas ito sa $93 billion na naitala noong katapusan ng Setyembre ngunit mas mababa kaysa sa $107.888 billion sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Sinabi ni Diokno na hindi na bago ang ideya ng sovereign wealth fund at naisip na niya ito noong nagsisilbi pa siya bilang governor ng BSP.
Ang Maharlika Wealth Fund ay nakikitang magiging operational 6 na buwan mula sa pagsasabatas nito.
#
