CAMARINES NORTE- Naglunsad ng operasyon ang PNP Highway Patrol Group kaninang umaga katuwang ang Local Police at Traffic enforcers kontra sa mga motorista na patuloy na lumalabag sa mga umiiral na batas.
Nag umpisa ang operasyon dakong alas 6 ng umaga, ang oras kung kailan papasok sa trabaho at opisina ang marami.
Sa inisyal na impormasyon nasa humigit kumulang 40 motorista ang mga natiketan hindi pa man natatapos ang Oplan Lambat Bitag Sasakyan na karamihan umano ay unregistered.



Maliban sa mga paglabag sa batas trapiko, tinututukan din umano ng mga awtoridad ang pagsunod ng mga motorista sa umiiral na safety protocols kontra COVID- 19 lalo na sa Public Utility Transportation.
Kasunod na rin ito ng mahigpit na tagubilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na higpitan ang implementasyon ng minimum health standards at hulihin ang mga patuloy na lumalabag.
Ang Oplan Lambat Bitag Sasakyan ay lingguhang ginagawa upang masiguro ang pagsunod ng mga motorista sa mga umiiral na batas trapiko at ang patuloy na kampanya kontra carnapping at iba pang modus operandi tula ng Rent Sangla, Assume balance o Pasalo at iba pa.

