PNP handang makibahagi sa imbestigasyon sa Senado sa umano’y extorsion sa POGO hub

Makikipag-usap ang Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) Director BGen Sydney Hernia kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla upang plantsahin ang ang alegasyon na hindi raw sapat ang kanilang koordinasyon sa ginawang raid sa POGO hub sa Las Piñas City.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen. Redrico Maranan, ito’y para bigyang-linaw ang mga akusasyong kulang sa case build up at basta-basta na lang nagkasa ng operasyon ang ACG.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Paliwanag ni Maranan, sakop ng mga warrant ang kanilang operasyon at ito’y nagarantiya ng mga Judge base sa surveillance at impormasyon na kanilang nailatag.

Samantala, sinabi naman ni Maranan na handa silang makibahagi sakaling magkaroon ng imbestigasyon ang Senado sa umano’y extortion ng mga pulis sa POGO raid.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Magandang pagkakataon aniya ang pagdinig para mapakinggan ang panig ng ACG at mabura ang mga pagdududa sa mga pulis.

Tiniyak din niyang transparent ang hanay ng PNP sa kanilang mga operasyon. (PTV SCREENGRAB)
#