Sasampahan na ng kasong kriminal ng Department of Justice (DOJ) ang high-profile inmate na si Jad Dera, pati na rin ang anim na tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagpapalabas sa inmate sa detention facility nang walang sapat na dahilan at permiso.
Ayon sa DOJ, matapos ang evaluation ay nakakita ang prosecutor ng probable cause para kasuhan si Dera at ang anim na NBI security officers na sina Randy Godoy, Arnel Ganzon, Diana Rose Novelozo, Lee Eric Loreto, King Jeroh Martin at Pepe Piedad Jr.
Isasampa ang kaso sa Manila City Metropolitan Trial Court.
Lumabas sa imbestigasyon na ‘di umano ay binayaran ang mga ito para i-escort si Dera palabas ng kulungan.
Kung maaalala, sa pagdinig ng Senado ay isiniwalat mismo ni Dera ang makailang-beses niyang paglabas-pasok sa NBI kung saan ay nakapagbakasyon pa ito sa Batangas, at nakapag-bulalo pa sa Cavite.
#
