Walang-atubiling itinanggi ni Ilocos Norte 1st district Rep. Sandro Marcos ang kumakalat na bali-balita hinggil sa ‘di umano’y planong appointment kay dating senador at dating interior secretary Mar Roxas bilang full-fledged Department of Agriculture (DA) secretary.
Ayon sa presidential son – walang katotohanan ang nabanggit ng isang mamamahayag hinggil sa napabalitang pagkakatalaga kay Roxas sa DA.
Kung maaalala, isang taon nang nagsisilbi si Pangulong Bongbong Marcos bilang agriculture chief.
Sa kaniyang Gabinete, tanging DA na lang din ang wala pang full-fledged secretary matapos i-appoint ang mga kalihim ng Department of Health at Department of National Defense.
Bago ito, una nang nanawagan naman ang ilang miyembro ng Kamara kay Pangulong Marcos na magtalaga na ng full-time head sa DA upang makapag-focus ito sa iba pa niyang katungkulan.
#
