PNP handang magsampa ng kaso laban kay ‘Massage girl’

Handa ang Philippine National Police na magsampa ng kaso sa isang pang quarantine violator na tumakas mula sa kanyang quarantine hotel.

Ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos sinisilip na ng mga imbestigador kung may ‘probable cause’ ang kaso laban sa tinaguriang ‘massage girl’.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Ang naturang babae ay mula sa Estados Unidos at dumating sa bansa noong December 22, 2021, subalit sa halip na nasa loob ng isang quarantine hotel sa Makati City tumakas ito papunta sa kanyang condominium unit sa Bonifacio Global City.

Nagpost pa umano ang suspek sa social media habang nagpapa-massage.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Hindi rin nagustuhan ni Carlos ang tila pagyayabang pa umano ng babae sa hindi nito pagsunod sa COVID-19 quarantine protocols na ipinapatupad ng pamahalaan.

Magugunitang bago si Massage Girl, unang nagviral si Gwyneth Chua, o mas kilala bilang “Poblacion girl’ na tumakas rin sa quarantine hotel para dumalo sa isang party at kalaunay napag-alamang positibo pala sa COVID-19.