PAGCOR chief Tengco: Ex-Spoks Roque dapat komprontahin si Cassandra Ong hinggil sa isyu ng POGO hub sa Pampanga

Dapat komprontahin ni Former presidential spokesperson Harry Roque ang otorisadong kinatawan ng ni-raid na POGO hub sa Porac, Pampanga matapos nitong sabihin na siya ang legal head ng kumpanya sa kanilang organization chart.

Ito ang sinabi ni Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR) chairman and CEO Alejandro Tengco sa gitna ng pag-deny ni Roque na siya ang legal counsel ng Lucky South 99 POGO firm.

Sa isang pahayag, sinabi ni Tengco na nang mag-reapply ang naturang POGO hub ng lisensya, nagsumite ang mga ito ng organizational chart kung saan makikitang si Roque ang head ng legal team.

Kung hindi raw ‘yon nakita ni Roque, hindi na iyon problema pa ng PAGCOR.

Aniya, dapat i-confront ni Roque si Cassandra Ong kung bakit nilagay ang kanyang pangalan sa naturang chart.

Si Ong ang authorized representative ng Lucky South 99 na sinasabing kasama ni Roque noong July 26, 2023 para lumapit sa PAGCOR.

Ito ay upang makiusap ng chance ang POGO hub para mabayaran ang arrears na aabot sa US $500,000 sa loob ng anim na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *