PNP, handa sa mga bagong polisiya ni Marcos sa war-on-drugs

Matapos ang ilang taon ng madugong kampanya ng nagdaang administrasyon laban sa iligal na droga, handa umano ang Philippine National Police (PNP) sa mga implementational changes o pagbabago sa pamamalakad ng gobyerno ukol sa tuluyang pagsugpo sa illegal drug cases sa ilalim ng Marcos administration.

Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokersperson Col. Jean Fajardo na layon nilang ma-realign ang istratehiya pagdating sa kampanya kontra iligal na droga base na rin sa intensyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ayon kay Col. Fajardo, nais ng Pangulo na mas mag-focus ang gobyerno at ang PNP sa mga demand reduction program partikular ang pagtutok sa rehabilitasyon at edukasyon ukol sa iligal na droga.

Bagama’t magkakaroon ng pagbabago sa approach, sinabi ni Fajardo na magiging committed sila sa pagsugpo sa mga malalaking sindikato ng iligal na droga sa bansa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Una nang inihayag ni Pangulong Marcos na nais niyang ipagpatuloy ang magandang kampanya ng bansa laban sa iligal na droga ngunit sa pamamagitan ito ng mga bagong polisiya.

Mababatid na sa nakalipas na anim na taon ng panunungkulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, nakapagtala ang PNP ng 6,000 indibidwal na nasawi dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.
#