Higit 200 bagong Omicron cases, naitala ng DOH

Aabot sa mahigit 200 ang mga bagong kaso ng Omicron subvariants na naitala ng Department of Health.

Sa pinaka-huling update sa sequencing na ginawa hanggang nitong September 13, mayroong 216 na new Omicron subvariant cases at mga sublineages nito.

BA.5 pa rin ang mayroong pinakamarami na 163 new cases. 151 dito ay nagmula sa Region XI; habang mayroong anim sa Region XII; dalawa sa CARAGA; at tig-iisang bagong kaso sa Regions VI, VII, NCR, at sa BARMM.

Muli namang nakapagtala ang DOH ng apat na bagong Delta variants mula naman sa Region XI; habang mayroong dalawang bagong BA.4 cases sa kaparehong Rehyon.

Bago ito, una nang iniulat ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na bumalik na sa ‘moderate-case-risk’ classification ang Metro Manila.

Aniya, 11 mula sa 17 mga bayan at siyudad sa NCR ay nakapaloob sa moderate risk classification.
#