Nagbabala ang Philippine National Police – Anti-Cybercrime Group sa iba pang mga online lending companies na ‘di umano’y nangha-harass at nananakot sa mga nangugnutang sa kanila pero hindi makabayad-bayad.
Ito nga ay makaraang salakayin kahapon ng mga tauhan ng PNP-ACG ang isang opisina sa Ortigas Center dahil sa ganitong uri ng modus.
Ayon kay PNP-ACG public information officer Lt. Col. Jay Guillermo, nakatanggap kasi sila ng ulat at reklamo na maging ang mga character references ng mga nanguntang ay tinatakot na rin daw.
Hinikayat ni Guillermo ang publiko lalo na ang mga nabiktima ng harassment na kaagad mag-ulat sa mga kinauukulan.
Sa ngayon, isasailalim na sa forensic examination ang mga computer na nakumpiska sa naturang operasyon.
Napag-alamang mayroon itong 66 na mga operator, habang ang may-ari ng lending operations ay mga Chinese nationals.
#
