Inihayag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na naka-standby ang Medical Reserve Force (MRF) ng Philippine National Police para tumulong sa mga vaccination programs sa panahon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.
Una nang inanunsyo ng mga alkalde sa Metro Manila na target nilang mabakunahan ang 250,000 na mga indibidwal araw-araw sa loob ng two-week lockdown.
Ayon kay Eleazar, tutulong ang PNP para masigurong magiging maayos, mabilis at ligtas ang bakunahan sa buong Metro Manila.
Kaugnay nito, inatasan ng PNP chief ang mga police commanders na makipag-coordinate sa mga local government officials para talakayin ang vaccination process sa panahon ng ECQ mula August 6 hanggang August 20.
Maliban dito, inatasan na rin ni Eleazar ang NCRPO na ihanda ang deployment para sa karagdagang pulis at contingency plan para sa vaccination. // MHEL PACIA-TRINIDAD
