Nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay sa hanay ng pulisya dahil sa Covid-19.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar, umabot na ang death toll sa 87.
Aniya, ang huling nasawi ay isang 43-taong gulang na police staff master sergeant na naka assign sa Northern Metro Manila.
Ang dahilan ng pagkamatay nito ay acute respiratory failure secondary to severe pneumonia na dulot ng COVID-19.
Samantala, 152 na mga police officers ang nag positibo sa sakit, dahilan para umabot na ang total COVID-19 cases sa PNP sa 31,497.
Umakyat naman sa 29,737 ang total recoveries matapos na gumaling ang 57 pang mga pulis mula sa nakamamatay na virus.
