Nagawa umanong malampasan ng bansa ang pagsipa sa mga kaso ng COVID-19 noon, at muling magagawa ngayon sa pamamagitan ng pakikinig sa mga payo ng health experts at pag-adapt nito.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, napagdesisyunan ng gobyerno na gumawa ng mahigpit na restrictions simula noong August 6, dahil inaasahan na umano nila ang posibleng pagsipa sa mga kaso ng COVID dahil sa Delta variant.
Kaugnay nito, pabor si Nograles, co-chairman ng IATF, sa assessments na ang pagpapatupad sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila ay napapanahon, kasabay ng pagpuri sa vigilant monitoring ng COVID variants ng Department of Health (DOH), maging sa kakayahan ng gobyerno na mabilis umaksyon sa kanilang rekomendasyon para sa kaukulang interventions na ipinapatupad ngayon para mapigilan ang transmission ng virus.
“Given what we know about the Delta variant, the increases in the cases the past few days and the increase in the positivity rate were not unexpected, and we understood that if decisive steps were not taken there would even be more cases,” saad ni Nograles.
Kaugnay nito, umaasa ni Nograles na kikilalanin ng publiko na ang naturang mga hakbang ay mahalaga sa ngayon, at ang naturang “circuit-breaker” quarantines ay napatunayan na noon na epektibo laban sa paglobo ng mga kaso.
