PNP Chief Marbil: 4 na pulis na sangkot sa kidnap for ransom sa Pasay City – siguradong mabubulok sa kulungan

Sisiguraduhin umano ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na mabubulok sa kulungan ang 4 na pulis na sangkot sa kidnap for ransom sa 4 na dayuhan sa Pasay City nitong June 2.

Kasabay ng babala sa iba pang pulis na masasangkot sa iligal na gawain na walang katumbas na kapatawaran ang kanilang aktibidad.

Nakasira raw kasi ang mga ito sa tiwala ng publiko sa PNP.

Read More:  Stronger legal defense assured for 3 detained Filipino seafarers in Algeria

Maalalang kaninang umaga, ipinresenta sa Kampo Crame ang mga suspek na pulis na ang pinakamataas na ranggo ay isang Police Major.

Kinumpirma rin na sindikato ang mga ito dahil sa lawak ng kanilang operasyon.

Modus kasi nila na manghuli ng mga dayuhan na may gawa-gawang kaso pagkatapos ay peperahan.

Read More:  Atin Ito Coalition to launch “Patriotic Jetski Flag Ride” in 4th civilian mission

Base sa report, nasa sa kahabaan ng Taft Avenue sakay ng van ang 3 Chinese at 1 Malaysian national nang parahin sila ng mga pulis dahil sa umano’y traffic violation at pinosasan.

Sa kabutihang palad ay nakatakas ang 2 biktima at nakahingi ng tulong ang sa mga awtoridad.

Sa ngayon, nahaharap ang mga pulis sa reklamong kidnapping at robbery and serious illegal detention.