Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Philippine National Police na palakasin ang kanilang intelligence monitorning bago ang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, ginawa ng Pangulo ang utos sa idinaos na command conference sa Kampo Crame kahapon.
Hinimok din ng punong ehekutibo ang PNP na maging alerto upang maiwasan ang anumang aberya sa araw ng SONA.
Binigyan-diin din nito ang kahalagahan ng paglalatag ng security prepartions para sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa June 12.
Binilinan din ng Pangulo ang mga opisyal ng PNP na gawin ang lahat para matiyak na magiging mapayapa ang mid-term elections sa susunod na taon.