PNP Chief Marbil, muling nagbabala sa immediate superior ng mga pulis na masasangkot sa iligal na aktibidad

Nagbabala si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga commander o immediate superior ng mga pulis na masasangkot sa ilegal na aktibidad.

Ayon kay Gen. Marbil, madadamay din ito sa gagawing imbestigasyon.

Itinanggi naman ni Marbil na nagiging maluwag sya kaya sunod-sunod ang pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa krimen.

Posible aniyang dati nang nangyayari ang mga ito pero hindi agad naaksyunan.

Nauna nang sinabi ng PNP Chief na kaniyang pananagutin ang sinumang pulis na masasangkot sa kaso.

Aniya, mas paiigtingin ang Zero-Tolerance policy sa mga ito at walang sinuman ang kikilingan sa mga dapat na managot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *