COVID-19 vaccination center sa mga polling precinct, tinutulan ng COMELEC

Tutol si Commission on Election (COMELEC) Commissioner George Garcia sa plano na paglalagay ng covid-19 vaccination centers sa mga polling precincts sa darating na halalan.

Ayon kay Commissioner Garcia, hindi siya pabor sa bagay na ito dahil mas mainam na hayaan na muna ang mga botante na makaboto at higit sa lahat ay mag-focus muna sa eleksyon.

Aniya, magdudulot lamang ito ng pagkalito para sa mga botante, sapagkat maaaring isipin ng mga ito na kaylangan muna nilang magpabakuna bago makaboto.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Inihayag ito ng poll body commissioner matapos sabihin ni Dr. Edsel Salvana, isang infectious disease expert, at miyembro rin ng DOH-Technical Advisory Group, na magiging convenient para sa mga botante kung mabibigyan din sila ng oportunidad na magpabakuna sa mga polling precincts sa araw ng botohan.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Kaugnay pa nito, pabor din mismo ang Commissioner kung sakaling suspendihin ang ginagawang vaccination sa Mayo a-nuebe, sapagkat hindi naman aniya gaanong malaking kawalan ang isang araw na ilalaan sa pagboto.

Sa ngayon, hindi pa naman aniya nakakatanggap ang kanilang opisina ng recommendation letter galing sa Department of Health sa planong paglalagay ng vaccination center sa mga presinto.(CLAY MARQUEZ)
#