PNP Chief Dionardo Carlos personal na binisita ang pulis na umano’y hinampas ng bote sa mata ng isang police official sa lungsod ng Legazpi; imbestigasyon pinabibilisan

BICOL—Personal na binisita ni PNP Chief, Police General Dionardo Carlos kahapon, November 21, ang Police Non-Commissioned Officer na umano’y hinampas ng basag na bote sa mata ng isang opisyal ng PNP sa lungsod ng Legazpi.

Ipinag-utos din ng PNP Chief sa Police Regional Office 5 na bilisan ang imbestigasyon kasabay ng pangakong ayuda sa medical na pangangailangan ng biktimang si PMSG Ricky Brabante ng Regional Mobile Force Batallion.

Si Brabante ay nagtamo ng seryosong tama sa kanang mata at kinailangang isailalim sa major operation na nagresulta sa pagkabulag ng isang mata nito.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang itinuturong suspek na si PCOL Dulnoan Dinamling Jr, Regional Commander ng Aviation Security Group 5 ay nasa ilalim ngayon ng restrictive custody ng Aviation Group.

Pagbibigay diin ni PNP Chief Carlos, mahalagang marinig ang panig ng magkabilang kampo. Nais umano ng pamunuan na maalagaan ang kanilang mga personahe at kung may pagkakamali man ay isasailalim sa corrective care.

Nilinaw din nito na isolated case ang nangyari at hindi maaaring isisi sa buong organisasyon ang pagkakamali ng isang kasapi nito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Pagtitiyak nito, madedesisyon siya base sa facts ng kaso at bilang ama ng PNP, sinisisguro nya umanong patas ang magiging at pag-alaga nya sa mga ito anuman ang kanilang posisyon, heneral man o patrolman.

 “Wala akong sinasabing (I didn’t say) I will only take care of the high ranking officers, as the father of the PNP I will take care of everybody even if you’re general or patrolman,” ani Carlos. ### | slm