PNP Cauayan City, tiniyak na lehitimo ang isinagawang illegal drug buy bust operation at pagkarekober NG P1.8M marijuana hashish

Tiniyak ng Cauayan City Police station na lehitimo ang kanilang isinagawang operasyon katuwang ang IPPO at PDEA Isabela kung saan naaresto ang maglive-in partner na suspek at nakumpiska mula sa kanilang pag-ingat ang 1.8 milyong halaga ng marijuana hashish.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PLt. Scarlette Topinio ang tagapagsalita ng PNP Cauayan, recorded na umano ang lahat ng operasyon at transakyon ng kapulisan dahil sa kanilang body worn camera.

Aniya, bineberipika naman ng kanilang operatiba kung lehitimo ang mga natatanggap na impormasyon bago magsagawa ng illegal-drug buy bust operation.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dagdag pa niya, batay sa kanilang imbestigasyon ay matagal na umanong nagbebenta ng marijuana ang mga suspek sa lungsod ng Cauayan maging sa mga karatig na bayan at munisipalidad.

Sa ngayon ay inaalam pa ng PNP Cauayan ang pagkakakilanlan ng mga napagbentahan at supplier ng mga nadakip na suspek.

Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa R.A 9165 o comprehensive Dangerous Drugs Act at RA 10591 laban kay Tumolva at live-in partner nito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Magugunita na mariing itinanggi ni Tumolva na sa kaniya umano ang mga nakumpiskang kontrabando kung saan handa itong sumailalim sa drug test upang mapatunayan na hindi sya gumagamit ng marijuana.

Ayon naman sa PDEA-Isabela, matagal na umanong minamanmanan ang maglive-in partner dahil sa pagkakasangkot nila sa bentahan ng ipinagbabawal na marijuana at di umano’y front lamang ng mga ito ang pagbebenta ng isda.

Kasama rin ang dalawa sa listahan ng mga drug personalities ng PDEA at PNP.