PNP Camarines Sur nakafull force na sa halos magkadikit na halalan at Undas

NAGA CITY- Naka full force ang PNP Camarines Sur sa halos magkadikit na Halalan at pag-gunita ng Undas.

Inaasahan na ang unti-unting pagdagsa ng mga uuwi sa Bicol Region pati mga biyahero dahil sa long weekend; Special Non Working Holiday ang Lunes Oct. 30 o ang barangay at Sanguniang Kabataan Elections. Masusundan halos ng Todos Los Santos at Todos Los Defuntos o All Saints at All Souls Day.

Read More:  20-year-old caretaker killed in Cebu robbery case

Sinabi ni  PMAJ Maria Victoria Abalaing , tagapagsalita ng PNP Camarines Sur handa nang i-deploy na ang mga personaheng idinagdag sa mga lugar na mas kinakailangan ang mga otoridad.  Ang mga deployable personnel ay mananatili hanggang sa makapag take oath ang mga mahahahal na opisyal.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Dagdag pa ni PMAJ. Abalaing, mayroong mga motorist assistance center na ilalatag lalo na sa unang distrito ng lalawigan. Inaasahan  nila ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga susunod na araw. Una at ikalawang distrito ang nakakapagtala ng maraming aksidente sa probinsya.