PNP, binabantayan ang abortion ads sa social media kasunod ng pagkakahuli sa mga suspek na nag-aalok ng ilegal na pagpapalaglag

Mahigpit na binabantayan ng Anti-Cybercrime Group ng Philippine National Police ang mga ilegal na abortion na inaalok online.

Ito’y kasunod ng pagkakahuli sa apat na indibidwal na umano’y nag-alok ng abortion sa pamamagitan ng social media.

Read More:  Palace blames political noise, fake news for economic slowdown

Ayon kay PNP-ACG director Brig. Gen. Ronnie Cariaga, natunton ng kanilang unit ang grupo sa pamamagitan ng cyber patrolling kung saan ay natukoy ang kanilang opisina sa mga siyudad ng Caloocan at Manila.

Read More:  No government expense for Marcos’ F1 ticket, Palace says

Umapela naman ang mga otoridad sa publiko na ireport agad sa kanila ang mga nakikitang online ads na nag-aalok ng ilegal na pagpapalaglag.