Bilang ng enrollees sa Bicol, umabot na sa mahigit 700k – DepEd Bicol

BNFM Bicol- UMABOT na sa 738,669 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng enrolled sa mga paaralan sa Bicol batay sa datos ng Department of Education (DepEd) Bicol sa kanilang Regional Learners Information System (LIS) Enrollment Quick Count para sa SY 2024-2025 na ibinahagi nitong Huwebes, Hulyo 18.

Read More:  Motorists stranded, road buried after flash flood hits Polomolok Village

Pinakamarami ang bilang ng enrolled sa Albay na mayroong 148,775, sinundan ng Camarines Sur na may 106,251, ikatlo ang Camarines Norte na may 96,702, Masbate na may 86,385, Sorsogon na may 75,115, at Catanduanes na may 22,300.

Nangunguna naman sa bilang ng enrolled sa mga syudad ng rehiyon ang Naga City na mayroon 45,130, sinundan ng Sorsogon City na may 32,274, ikatlo ang Tabaco City na may 31,105, Legazpi City na may 26,818, Masbate City na may 23,867, Ligao City na may 23,209, at Iriga City na may 20,738. ### Nico Merciales, Intern

Read More:  Love triangle eyed in Davao de Oro graduate shooting

Photo from DepEd Bicol