PNP Bicol naghatid ng tulong sa mga sinalanta ng bagyong Agaton

Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City— Nagpapatuloy parin ang isinasagawang Search, Rescue at Retrieval operation sa iba’t ibang probinsya sa Region 8.

Nitong ika-15 ng Abril 2022 naganap ang send-off ceremony para sa tatlongpu’t limang (35) magigiting na tauhan ng yunit bago ang kanilang paglalayag patungong Visaya. Ito ay pinangungunahan ni PCPT Bon John J Pascual.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dala ng mga ito ang tatlong sasakyan para gamitin papunta sa mga barangay na nangangailangan ng tulong dahil sa malakas na ulan at hagupit ng nagdaang bagyong “Agaton”.

Kasama sa mga sasakyang ibibiyahe nito ay ang “SAR Vehicle with desalination capability”. Ito ay magiging instrumento sa pagsusuplay ng malinis at maiinom na tubig sa mga residenteng biktima ng kalamidad.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Samantala, Kasabay nito ang pagdarasal ng buong himpilan ng PRO5 sa pamumuno ni PBGEN JONNEL C ESTOMO, RD para sa pagbangon at pagsisimulang muli mula sa pagkakalugmok dahil sa bagyo.