Ilang incumbent officials sa Partido Area, unang nag-file ng COC kahapon

CAMARINES SUR — May mga hinihintay pa ngayong magsusumite ng certificate of candidacy, pero kahapon, unang nag-file ng COC ang mga incumbent officials sa Partido Area, sa Camarines Sur.

Sa bayan ng Goa, early birds ang grupo ni incumbent Mayor by-succession ‘Pay Pedong’ Gonzaga, kasalukuyang Mayor ng San Jose, Mayor Jerold Peña, at Mayor Marilyn Socorro Co ng Caramoan. Nagsumite na rin ng COC ang first time mayoral aspirant ng Lagonoy na si Dyego Pilapil, ang anak ng incumbent mayor.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors
Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ayon kay Arnel Añonuevo, ang Election Officer ng COMELEC Lagonoy, handa pa rin aniya sila sa pagtanggap ng kandidatura sa mga susunod pang araw, katuwang ang presensya ng mga awtoridad para sa seguridad ng publiko at ng mga kakandidato.