Pinagana na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang National Disaster Task Force kasunod ng posibleng pananalasa ng bagyong Kristine.
Ayon kay PNP PIO Chief PBGen. Jean Fajardo, naka standy na ang kanilang Search and Rescue teams, mga tauhan at iba pang assets para tumugon sa posibleng epekto ng bagyo sa ilang rehiyon sa ating bansa.
Samantala, sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines naghahanda narin sila sa pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, naka-activate na ang kanilang disaster response units sa mga rehiyong tatamaan ng bagyo upang matiyak ang mabilis at epektibong deployment ng kanilang personnel at resources.
Naka stand-by na rin ang kanilang pwersa para sa inaasahang search and rescue operations, evacuation assistance, at humanitarian relief missions.
Sa ngayon, patuloy ang koordinasyon ng Sandatahang Lakas sa local government units, National Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang concerned agencies.
Kasunod nito, pinapayuhan ng AFP ang publiko na manatiling alerto at sundin ang abiso ng pamahalaan upang maging ligtas sa pananalasa ng bagyong Kristine.