Ilang indibidwal, pinadalhan ng subpoena ng CIDG kaugnay ng Barayuga murder case

Ilang inidibidwal ang pinadalhan ng subpoena ng Criminal Investigation and Detection Group upang makatulong sa paglilinaw ng kaso ng pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.

Ayon kay PNP PIO Chief BGen. Jean Fajardo, ang mga subpoenang ito ay bahagi ng patuloy na imbestigasyon matapos ang pagdinig sa Kamara tungkol sa mga umano’y extra-judicial killings sa ilalim ng Duterte administration.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Bukod sa ilang personalidad , mayroon din mga dokumento ang inisyuhan ng subponea upang palakasin ang kanilang teorya sa kaso.

Samantala, wala pang naisasampang kasong murder at laban kay dating PCSO GM Royina Garma at iba pang mga pangalan na maaaring sangkot sa krimen.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sa ngayon, nanatiling naka-hold ang kaso na isasampa para sa mga indibidwal na sangkot sa pagpatay dahil hinihintay pa nila ang availability ng asawa ni Barayuga para sa affidavit.