PNP Anti-Cyber Crime Unit nagbabala sa pag access sa porn sites

NAGA CITY- Nagbabala ang PNP Anti-Cyber Crime Unit sa pag access sa mga porn sites.

Lumalabas kasi sa year in review ng Pornhub na Pilipinas ang may pinakamataas na “time spent” o oras na inilalaan sa panonood ng pornographic video; 11 minutes and 31 seconds. Nasundan ng Japan na may 10 minutes and 3 seconds. Maliban dito nasa data rin na mas marami nang kababaihan ang nanonood sa site kumpara sa mga lalaki, 52% mga pinay habang 49% ang mga pinoy.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Angelo Babagay ng Anti-Cyber Crime Response Team sa Camarines Sur at Camarines Norte , nagbabala ito sa pag access sa porn sites.  Aniya maaaring makuha rito ang mga personal na impormasyon pati larawan na maaaring magamit sa masama.  

Pinag-iingat rin ang lahat sa pagbibigay ng impormasyo o pag u-upload ng mga larawan at video.  Ibinigay nitong halimbawa ang nangyari sa isang babae sa Camarines Norte kung saan laking gulat nitong malaman na ang kaniyang larawan ay nasa porn site na, maaaring nakuha ito sa ibang application kahit na hindi direktang tumungo sa site.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Sinabi rin na mainam kung babantayan ang paggamit ng internet ng mga menor de edad dahil baka bukod sa pag o-online class ay nanonood na rin ng malalaswa.