9 na fatalities at isang karagdagang kaso ng COVID-19 naitala sa Bicol kahapon

BICOL – Umabot na sa 1,916 ang kabuuang bilang ng Covid 19 fatalities sa Bicol region.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) Bicol ng siyam na karagdagang nasawi dahil sa naturang sakit kahapon.

Batay sa ulat, ang mga nasawi ay pawang mula sa laalwigan ng Camarines Norte.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Samantala, isang karagdagang kaso naman ang naitala kahapon mula sa Legazpi City.

Dahil dito, tinatayang 3,159 na  ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng Covid 19 sa rehiyon mula sa 46,764 na mga kumpirmadong kaso.

Sakabila nito, mayroon namang aabot sa 80 indidiwal ang gumaling kahapon, kung saan 61 nito ay mula sa lalawigan ng Masbate; walo sa Camarines Norte;dalawa sa Catanduanes; dalawa sa Sorsogon habang anim ang mula sa iba pang mga lalawigan.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Sa ngayon mayroon ng kabuuang 41,688 na COVID-19 recoveries ang rehiyon.

Patuloy naman ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID 19 para sa serbisyong salud Bicolnon.###