Mga nagpapabakuna kontra COVID- 19 dagsa pa rin sa iba’t- ibang vaccination site sa lalawigan

CAMARINES NORTE- Dagsa pa rin ang mga nagpapabakuna kontra COVID- 19 sa iba’t- ibang vaccination site sa lalawigan ng Camarines Norte.

Kaugnay pa rin ito sa nagpapatuloy na pambansang bakunahan sa layuning maabot ang herd immunity bago matapos ang taon.

Sa Central Plaza Mall dito sa Daet ay dagsa ang mga nagpapabakuna at sa katunayan ay madaling araw pa lang ay mahaba na ang pila.

Read More:  Malunggay-pandesal vendor shot dead in Maguindanao del Sur

Sa Basud Sports Complex naman ay mahaba rin ang pila ng mga nagnanais magpabakuna lalo nasa pediatric population.

Naabutan din ng news team ang vaccination site sa Mercedes na mahaba ang pila para sa mga magpapabakuna sa pediatric at adult population.

Read More:  3 Vietnamese arrested over illegal dental practice in Cebu

Ito’y kahit ginagawa na rin ang pagbabakuna sa mga barangay.

Ayon sa Department of Health mahalagang masunod ang health protocols sa mga vaccination site.

Patuloy naman ang pagdating ng mga bakuna sa lalawigan.