PLGU Sorsogon, nagpahiram ng apat na trak para sa transportasyon ng mga food packs sa E. Visayas

Ipinahiram ng Prov’l Local Governmet Unit ng Sorsogon ang apat na trak nito para sa transportasyon ng mga FFPs (Family Food Packs) patungong Eastern Visayas.

Ang mga trak, kabilang ang dalawang trak na pinahiram din ng PLGU ng Camarines Sur at dalawang karagdagang trak ng DSWD-Bicol ang naghatid ng paunang tulong para sa munisipalidad ng Catarman, Mondragon at Pambujan, lahat sa Northern Samar na apektado ng malawakang pagbaha dulot ng shearline.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Aabot sa 10K na FFPs ang ikinarga sa 8 trak bilang relief augmentation. Samantala, ang ilang food packs ay inihatid muna sa bodega sa Matnog, Sorsogon para sa mas madaling paghahatid sa Eastern Visayas.

Ayon kay DSWD-5 disaster response and management division officer in charge Claudio Villareal Jr, namahagi na ang kanilang ahensya ng mahigit 19K na FFPs na nagkakahalaga ng P12M sa rehiyong Bicol maliban pa sa P5M para sa karagdagang relief procurement kung kinakailangan at mahigit 85K na FFPs at non-food items ang nakahanda at available para naman sa mga LGUs na hihingi ng augmentation.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City