Ecological Balance and Management ng Lake Buhi sa Camarines Sur pag-uusapan sa public consultation ngayong araw

CAMARINES SUR- Gaganapin mamayang ala una ng hapon ang public consultation sa bayan ng Buhi, Camarines Sur kung saan tatalakayin kung ano ang mainam na solusyon upang magkaroon ng ecological balance at management ang Lake Buhi.

Ito ay matapos ang naganap na fish kill sa lugar na halos 79 na tonilada ng mga isda namatay at mayroong 43 na mga fish cage operators ang naapektuhan. Isinalaysay naman sa Brigada News FM Naga ni Mark Nazarea, tagapagpahayag ng LGU Buhi, pag-uusapan din ang pagpapanatili ng kalinisan sa Lake Buhi at pagrelease ng tubig dito na ginagamit sa irigasyon.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Dagdag pa ni Nazarea na kahit nagkaroon ng fish kill sa lugar, may sapat na supply pa rin ng isda sa bayan dahil tumatanggap naman sila ng mga iniimport na galing sa Batangas. Dadaluhan ang nasabing public consultation ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of Public Works and Highways (DPWH), National Irrigation Administration (NIA) at Indigenous Peoples Community upang makapagbigay ng mga komprehensibong suhestiyon para sa Lake Buhi.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City