Plebisito para sa 1987 Constitution amendment at 2025 elections – pinaburan ni PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na mas mapamamahal lang kung paghihiwalayin pa agn 2025 midterm elections, at ang posibleng plebisito para sa pagbabago ng ating Konstitusyon.

Sa ambush interview – sinabi ng Pangulo na patuloy pa ring pinag-aaralan ang mga ganitong uri ng scenario.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Pero kung siya raw ang tatanungin – mas maigi pang pagsabayin na lamang ang dalawa para makatipid.

Bago ito – una nang sinabi sa isang pahayag ni COMELEC chairperson George Garcia na pabor naman sila sakaling pagsabayin ang plebisito at 2025 elections.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Aniya, mas makatitipid ang Gobyerno dahil kung paghihiwalayin pa ito ay gagastos pa ng karagdagang P13B para sa plebisito.