Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na walang sino man ang gustong magpapatay kay Apollo Quiboloy.
Ito ay makaraang sabihin ng KOJC leader na ‘di umano’y pinagpa-planuhan na siyang ipapatay ng gobyerno ng Pilipinas at ng Amerika.
Sa ambush interview sa Pangulo – sinabi niyang ‘di niya alam kung saan ang pinaghuhugutan ni Quiboloy.
Marahil daw ay natatakot lang ito sa mga pangyayari.
Dahil diyan, painayuhan niya ang lider ng KOJC na dumalo na lang sa mga magdinig ng Senado at Kamara para depensahan ang kaniyang sarili.
Kung ‘di naman daw kasi totoo ang mga akusasyon laban sa kaniya – binigyan siya ng daan at pagkakataon ng Dalawang Kapulungan ng Kongreso para patunayang inusente siya.
Matatandaaang kapwa nag-issue na ng subpoenas ang Senado at Kamara para padaluhin sa inquiry si Quiboloy.