Plebesito sa dalawang bayan sa Maguindanao del Norte, pinaghahandaan na

Naghahanda na ngayon ang Commission on Elections – BARMM sa nakatakdang plebesito sa bayan ng Datu Odin Sinsuat at Sultan Kudarat ngayong Setyembre ng kasalukuyang taon.

Sinabi ni COMELEC BARMM Regional Director Atty. Ray Sumalipao sa isinagawang Regional Peace and Order Council Meeting kahapon na inihahanda na nila ang mga election paraphernalia’s na gagamitin sa plebesito.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Itinakda sa September 7 ang plebesito sa bayan ng Sultan Kudarat at September 21 naman sa Datu Odin Sinsuat at magsisilbi pa ring electoral board ang mga guro.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Samantala, nakahanda naman ang PNP na magsilbi kung sakaling aatras ang mga ito na gampanan ang kanilang tungkulin. (Jom Dimapalao)