PLDT, Smart, blinock ang nasa 19k mobile numbers re: Digital pyramid schemes

Libo-libong mobile number na may kaugnayan sa digital pyramiding schemes ang blinock ng PLDT Inc. at ng kanilang mobile subsidiary Smart Communications Inc. nitong buwan palang.

Ayon sa grupo, nasa 19,000 mobile numbers at 5,693 user na may access sa sites na konektado sa scheme na minamaniubra ng global syndicate ang kanilang na-block, at nabunyag ang mahigit 100 domains na sangkot sa nagpapatuloy na SMS spam scheme.

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ayon kay PLDT at Smart Cyber Security Operations chief of Information Security Angel Redoble, ginagamit ng cybercriminals ang mataas na unemployment rate ngayong COVID-19 pandemic para gumawa ng pera.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Mungkahi ni Redoble, para maiwasang maging biktima ng financial loss, hinihimok ang publiko na idelete, block, at huwag i-click ang naturang too-good-to-be-true job offers.

Ang naturang report ay kasunod ng pahayag ng National Privacy Commission (NPC) na isang organized international o global syndicate ang nasa likod ng pagdami ng random spam text messages.