Hindi pa matiyak ng National Bureau of Investigation kung mangyayari ang nais ni Wesley Guo na sumuko na sa mga awtoridad.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na nakadepende si Wesly Guo sa payo ng kanyang kapatid na si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Pero aniya nakakulong na ang dating alkalde at bawal ang cellphone kaya’t hindi nito alam kung paano makakapag usap ang magkapatid.
Sa kabila nito, umaasa pa rin ang NBI kung susuko si Wesley dahil nasa kanya ang bola kung susuko siya o patuloy na magtatago para hindi maaresto.
Gayunpaman, walang nakabinbing reklamong kriminal o kaso laban kay Wesley Guo sa Pilipinas.