Appropriations panel chair sa Kamara, itinanggi ang alegasyong hawak nila ni Speaker Martin Romualdez ang national budget

Tahasang tinawag na pambubudol ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na hawak umano niya at ni Speaker Martin Romualdez ang national budget.

Ayon kay Co, hindi totoo ang paratang ni Duterte at tiyak na hindi rin paniniwalaan dahil matalino ang taumbayan.

Bukod sa mayroong mahigit isandaang miyembro ang Appropriations Panel, limampu’t anim na vice-chairpersons, tatlongdaang kongresista at dalawampu’t apat na senador, dadaan aniya sa bicameral conference committee ang budget matapos ang deliberasyon ng Senado at Kamara.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Pinanindigan din ni Co ang akusasyon ng korapsyon sa pangalawang pangulo at iginiit na “common knowledge” na ito kahit sa Davao City.

Ipinaliwanag ng kongresista na ilang beses nang nagpalabas ng audit observation memo ang Commission on Audit na nagsasaad ng “notice of disallowance”.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Dagdag pa nito, noong nakaraang taon ay sinubukan nang silipin ang AOM lalo’t napakalaki ng confidential funds na hinihingi ng OVP.

Hindi na umano dapat palampasin ang paggastos ng OVP sa confidential funds sa loob ng labing-isang araw at pananakot ni Duterte sa mga kongresista kaya magpupulong ang mga miyembro ng komite.