PAPA Gadon – pumalag sa mga kritiko

Nangako si Larry Gadon na tutugunan nito ang problema ng kahirapan sa bansa.

Ito ay makaraang i-appoint siya bilang Presidential Adviser on Poverty Alleviation.

Ayon kay Gadon, aminado siyang mahirap tugunan ang kahirapan.

Sa kabila niyan, unti-unti raw niyang aayusin ang mga programa para maibsan ang poverty sa Pilipinas.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Hindi rin daw niya isusulong ang pagiging ‘ayuda person’ dahil nais niyang magkaroon ng pangkabuhayan ang mga Pilipino.

Sa huli, kinontra niya ang mga kritiko sa kaniyang appointment.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ayon kay Gadon, mananatili raw siyang committed sa kaniyang trabaho, habang para naman sa mga kritiko – sinabi niyang mas may magagawa siya kaysa sa kanila.

Kung maaalala, una nang sinabi ni IBON Foundation exec. dir. na sa pagkaka-appoint ni Gadon – ipinakikita lamang na hindi sinsero ang administrasyon sa pag-address sa kahirapan.