PLA Navy warships, bumuntot sa isinagawang MMCA noong Sabado

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na may na-monitor silang People’s Liberation Army Navy vessels na bumuntot sa isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity sa exclusive economic zone ng bansa noong Sabado.

Ang MMCA ay nilahukan ng Pilipinas, Australia, Japan, New Zealand, at United States.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, namataan ang mga PLAN Navy vessels ngunit hindi naman sila nag-interfere.

Read More:  Romualdez says Bonoan never linked him to alleged flood control scandal

Sinabi naman ni Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na 2 PLA Navy vessels ang tila nag-observe sa MMCA.

Namataan ang mga ito 8 hanggang 14 nautical miles mula sa bisinidad ng isinagawang exercise.

Read More:  Bayan urges vigilance vs INC protest’s impact on anti-corruption drive

May lumapit pa na na PLA navy na hanggang 1 libong yarda.

Sa kabila nito, matagumpay na naisagawa ang ika-4 na MMCA nang walang anumang insidente.

Layunin ng aktibidad na mapalakas ang international cooperation at interoperability sa mga kaalyadong bansa para sa patuloy na pagpapatatag ng ating presensiya sa West Philippine Sea.