China – pumalag sa US missiles sa Pilipinas

Inihayag ni Chinese Foreign Minister Wang Yi na ang pag-deploy ng US ng mga intermediate-range missiles sa Pilipinas ay sumisira sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

Nitong Abril nang dalhin ng Amerika sa bansa ang Typhon midrange capability missile launcher bilang bahagi ng joint exercise ng US at Philippine Army kung saan binatikos ng China at Russia.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Ayon kay Wang, ang deployment ay hindi para sa interes ng mga regional countries.

Read More:  Sen. Imee Marcos questions Ombudsman’s failure to suspend NBI Director Matibag

Gayunpaman, walang plano ang US na alisin ang missile system sa bansa.

Kung ang tatanungin naman ay si Armed Forces of the Philippines chief General Romeo Brawner Jr., nais niya raw na manatili ang missile system sa Pilipinas magpakailanman.