Pizza kapalit ng hinostage na prison guards hiling ng 2 inmates sa Sweden

STOCKHOLM – Hindi pera kundi ‘pizza’ ang hiniling na ransom ng dalawang inmates sa Sweden para palayain ang dalawang gwardiya na kanilang hinostage sa Hallby high security prison.

Sa salaysay ng prison official na si Torkel Omnell, nagawa umano ng dalawang inmate na pasukin ang lugar na nakareserba lamang para sa mga gwardiya at doon hinostage ang dalawang nakaduty na prison guards.

Agad namang nagpadala ng negotiator ang prison facility kung saan nagdemand umano ng 20 pizza ang dalawang preso para sa mga kapwa nila inmates at helicopter para sila ay makatakas.

Ayon kay Jail spokeswoman Stina Lyles, ibinigay nila ang demand na pizza pero hindi ang helicopter at saka lamang ng mga ito pinalaya ang dalawang prison guards.

Dinala ang dalawang inmate sa police station para sa interogasyon sa panibagong kaso.# || Shiela Madrigalejos