Pinag-aaralan na ng legal counsel ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide o PISTON ang mga susunod na matapos na ihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na huhulihin lahat ng uncosolidated na Jeepney sa Feb. 1.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PISTON, National President Mody Floranda, sinabi nito na pinag-uusapan na ng kanilang samahan ang mga susunod na hakbang para sa napipintong pagkawala ng kanilang hanapbuhay.
Ayon kay Floranda, dadalo sila sa isasagawang pagdinig sa darating na Jan. 24 sa Kamara para sa resumption hearing ng usapin sa PUV modernization program gayun din sa unconsolidated public utility jeepneys na dadaluhan ng heads ng Department of Transportation at LTFRB.
Una rito, siniguro ni Office of Transportation Cooperatives Chairman Jesus Ferdinand “Andy” Ortega, na may programa ang pamahalaan sa mga tsuper magkaroon pa rin ng pagkakakitaan sa oras na hindi tuluyang mag-consolidate ang mga operator ng ninamaneho nilang Jeepney.