PISTON – nagpasaklolo sa SC

Dumulog sa tanggapan ng Korte Suprema ang transport group na PISTON para maghain ng mosyon upang mailabas na ang kanilang inihaing Temporary Restraining Order laban sa Public Transportation Modernization Program.

December 20 nang maghain sila ng temporary restraining order para pigilan ang pagpapatupad ng PTMP kung saan nakasaad na ang mandatory consolidation requirement ay labag sa konstitusyonal na karapatan sa freedom of association.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Layon ng transport group na ipagbawal ang pagpapatupad at ideklarang null and void ang mga isyu na may kaugnayan sa programa, lalo na ang mandatory franchise consolidation.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kasabay ng paghahain ng petitsyon ng grupo ang unang araw ng kanilang transport strike.