Hindi na pinayagang makalipad pa at habambuhay nang na-ban sa Philippine Airlines (PAL) ang isang senior citizen ng Chinese national matapos manigarilyo sa loob ng eroplano.
Sakay ng PAL Flight PR-210 mula Melbourne, Australia at patungo sana ng Hong Kong ang 64-anyos na pasahero nang mangyari ang insidente.
Sa kabila ng mga pagbabawal sa Chinese, nanigarilyo pa rin ito habang kasama ang kanyang apo.
Pag dating sa NAIA Terminal 1, hindi na pinayagan pang sumakay ang pasahero para sa kanyang connecting flight
Kinakailangan tuloy nitong bumili ng bagong ticket sa ibang airline matapos siyang i-ban ng PAL sa lahat ng kanilang domestic at international flights.
Sa ngayon ay iniimbestigahan na ng PAL kung paano nakalusot ang lighter na dala ng pasahero, lalo na’t mahigpit itong ipinagbabawal sa eroplano.