Consignee ng mga containers na naglalaman ng bigas sa pantalan, binigyan lang ng PPA ng hanggang September 30

Sinimulan nang i-pull out ng mga consignee ang mga container vans na naka tengga sa pantalan at naglalaman ng bigas.

Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Philippine Port Authority General Manager Jay Santiago, nasa 888 containers ang na-monitor nilang over staying na sa pantalan.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Habang nasa tatlong daang containers na ang kinuha ng mga consignee nitong weekend, matapos ang isinagawang inspeksyon ng PPA.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon kay Santiago, binibigyan lang ang mga consignee ng hanggang September 30, para kunin ang kanilang mga kargamento. Sa oras na hindi nila ito makuha sa nasabing petsa ii-endorso nila ito sa Department of Custom para sa kaukulang aksyon.