PISTON, naghain ng petisyon sa SC laban sa franchise consolidation order ng DOTR

Naghain ng petisyon ang grupong PISTON sa Korte Suprema na humihiling ng temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng franchising guidelines ng Department of Transportation.

Bahagi ng tinututulang kautusan ang deadline sa franchise consolidation sa December 31, 2023.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Giit ni Atty. Neri Colmenares paglabag ito sa freedom of association ang mandatory consolidation na ipinatutupad ng gobyerno.

Tugon naman ni Sec. Jaime Bautista na sumusunod sila sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ituloy ang PUV modernization program pero tatalima sila sa magiging desisyon ng SC.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Base sa public utility vehicle modernization program, oblidagado ang mga operator na pagsama-samahin ang kanilang mga prangkisa sa ilalim ng Kooperatiba o Korporasyon.

Sa pagtataya ng grupo posibleng mawalan ng hanapbuhay ang nasa 140k na mga driver kung ipapatupad ang December 31 deadline.

Suportado din ng grupong MANIBELA ang petisyon ng PISTON.