Pagiging ninong at ninang hindi lang tungkol sa pagbibigay ng regalo sa mga inaanak ayon sa simbahang katoliko

CAMARINES NORTE – Nagpaalala ang simbahang katoliko sa lahat ng mga mananampalataya na ang pagiging ninong at ninang ay hindi lang tungkol sa pagbibigay ng regalo sa mga inaanak tuwing pasko.

Sa panayam ng Brigada News FM, sinabi ni Diocese of Daet Bishop Rex Andrew Alarcon na higit sa pagbibigay ng regalo, ang ninong at ninang ay pangalawang magulang at gabay ng mga bata sa paglago sa pananampalataya.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Kaya nga raw tinatawag sa ingles na Godfather at Godmother ang ninong at ninang para maging huwaran at modelo ng bata.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Ayon kay Bishop Alarcon bagamat mainam din naman ang pagbibigay ng regalo sa inaanak, mas higit umanong importante na ipagdasal ni ninong at ninang ang kanilang mga inaanak at sikaping maging mabuting halimbawa sa mga ito.